Una sa Balita

Heart biktima ng pambu-bully sa San Agustin

0 481

Ni-reveal ni Heart Evangelista-Escudero ang naranasan niyang pambu-bully sa kanya noong high school siya sa Colegio de San Agustin. Nag-turn 34 years old si Heart kahapon, Valentine’s Day (February 14), at tamang panahon na raw para ilabas na niya ang mga hindi perpek­tong pangyayari sa buhay niya.

“I wasn’t really a favorite in school… I would eat my lunch by myself and I would have high school students go at me, while I was sitting alone on the bench.

“I’d walk the covered court and someone would throw a volleyball at me. They would put glue on my chair. It was really bad,” pagbabalik-tanaw ni Heart.

Pero lalo raw naging matatag ang loob ni Heart sa pambu-bully sa kanya.
“It just really made me learn to mind my own business. And as long as you’re not doing anything to anyone, it’s OK,” sey pa ni Heart.

Isa raw sa nagpalakas ng loob niya ay ang kanyang kapatid na si Camille Ongpauco. Ito raw ang nagturo sa kanya na parating magdasal kapag may masamang nangyayari sa kanya.

“Nag-set up si Camille ng isang altar sa loob ng kanyang banyo, isang Divine Mercy novena picture, a sunflower candle, and a smaller candle beside my shower. I would kneel there and I would pray all the time.
“I would pray and pray that God, you know, make me something and I promise, I promise that I would be nice to everyone in school if I do come back.”

Noong pasukin ni Heart ang showbiz, lalo raw siyang binully hanggang sa tumigil na siya sa pagpasok sa school na iyon. Sa magandang buhay at career ngayon ni Heart, nagawa na niyang patawarin ang mga taong nam-bully sa kanya noon. Nakatanggap pa nga si Heart ng isang message sa kanyang Instagram account mula sa isang bully niya at nag-sorry ito sa mga ginawa nito sa kanya.

“We were assholes and we put you through a lot of crap. So I’m sorry you had to go through that. I thank God that He made you to be a strong individual,” nakasaad pa sa mensahe kay Heart.
Na-touch daw si Heart sa message na iyon. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More