Una sa Balita

Heart bida sa sikat na US magazine

0 606

abante-i-know-better-jun-nardoHalos mapasigaw si Heart Evangelista nang makita sa February issue ng Harper’s Bazaar US ang spread ng kanyang painting. Si JLo o Jennifer Lopez ang cover ng magazine at sa loob nito ay ang feature na Follow Your Heart artwork.

“What a way to welcome my birthmonth,” bahagi ng captio sa Instagram ni Heart na February ang kaarawan.

Pinusuan at napa-“AAAAAAHHHHH!” si Lovi Poe sa post ni Heart.

Nasa China pa rin ang Kapuso actress at liba­ngan niya roon ang pagpinta.
Hindi ang shoo­ting ng sequel ng Hollywood film na Crazy Rich Asians ang pakay niya roon kundi ibang project pero wala siyang detalyeng isiniwalat kaugnay ng ginagawa sa bansa.

Basta sa nakaraan niyang IG post, miss na miss na niya ang asawang si Sen. Chiz Escudero. Pagbalik niya, ang pagiging judge ng Starstruck ang magiging trabaho niya pero tutulong din siya sa kampanya ng asawa na tatakbo bilang governor ng Sorsogon.

Maine pinuri ng global cosmetic brand

Proud Filipino moment ang pagiging bahagi ni Maine Mendoza sa global cosmetics brand na naglabas ng kanyang Macnlipstick shade last year. Laging sold out kasi ang ilabas na stock ng lipstick na si Meng ang nagtimpla.

Kaya naman nagpadala ang PH team ng cosmetics ng congratulatory note sa manager ni Maine na si Rams David of Triple A upang ipaalam na mas malalaki pang project ang inihahanda nila this year for Maine.

Pinost ni Rams ang note na ‘yon sa kanyang Instagram at bahagi ng note, “We are very happy and overwhelmed with all the support the partnership received. It is definitely a proud Filipino moment!”

Si Maine ang unang Pinay na nagkaroon ng collaboration sa global brand at sinuportahan ito ng mga fan niya sa buong mundo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy