Una sa Balita

Heart araw-araw pinaliligaya ni Chiz

By
0 531

Kung meron mang pinapasalamatan si Heart Evangelista-Escudero sa kanyang pagiging matatag sa mga pinagdaanan niya, ito ay ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.

Sa isang Instagram post ni Heart, bukod sa pag-celebrate nila ni Senator Chiz ng kanilang 6th year anniversary na magkasama (3 years bilang mag-asawa), nagpapasalamat si Heart sa unconditional love and support na pinapadama sa kanya ng kanyang mister araw-araw. Lalo na noong makunan si Heart sa kanilang twin baby noong nakaraang May 2018.

Heto ang post ni Heart: “From the little things like making me laugh to the bigger things like helping me through difficult times, you have never failed to be my person. 6 years ago today we embarked on this journey together and I thank God for it everyday. Happy anniversary, my love!”

Kelan lang ay muling pumirma ng exclusive contract si Heart sa GMA-7, senyales na handa na itong magtrabaho ulit pagkatapos ng ilang buwang bakasyon.

“I’m very content with my life, I’m very happy with where I am. And I’m very excited with what I have, and what I will be doing with GMA,” pagtapos pa ni Heart na huling napanood sa GMA-7 ay sa teleserye na My Korean Jagiya with Korean singer-actor Alexander Lee.