Una sa Balita

Heart, Angel may ‘K’ tawaging mga bayani

0 689

Umaarangkada si Heart Evangelista, at tilad hindi napapagod sa pagtugon sa mga taong humihingi sa kanya ng pangangailangan, lalo na `yung may mga karamdaman.

Mababasa sa mga tweet ni Heart ang mga katagang “DM” o direct message sa mga nanawagan ng kanilang medical supplies at financial help para sa kanilang mga kaanak na maysakit.

Ang kahanga-hanga kay Heart, laging nakarugtong sa kanyang reply ang “Pls” na ito pa ang nakikiusap sa mga nanawagan.

May mga pruwebang naabutan ni Heart ng tulong ang mga nanghihingi dahil marami sa mga ito ang nag-tweet sa aktres kalakip ang larawan ng oxygen tank, relief goods at medication na ibinigay nito.

Hindi lang mga health worker, pulis, military ang mga bayani sa kasagsagang ito ng COVID-19, maging sina Angel Locsin, Heart, Bela Padilla na tumutugon sa panawagang tulong sa mga nangangailangan. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More