Una sa Balita

HEALTHY KAHIT BUSY: SUPER MOM TIPS NI MOMMY SHIELA

0 15,659

Sa dami ng gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis, at pag-aasikaso sa asawa at mga anak, saan na nga ba isisingit ni mommy ang time para sa sarili?

Para kay Mommy Shiela, ina ng child actor na si Baeby Baste, maari pa ring mabigyan ni mommy ng oras ang sarili to stay healthy and beautiful sa kabila ng tambak na gawain. Narito ang ilang healthy lifestyle tips mula kay Mommy Shiela:

Uminom ng maraming tubig. Alam nyo ba na ang tamang pag-inom ng tubig ay isang beauty secret? Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling malambot, makinis, at makintab ang kutis. Mommies, kung kayo ay kulang sa tubig, lulubog ang inyong mga mata at kukulubot ang inyong balat (wrinkles). Kaya ugaliin ang paginom ng malinis na tubig at iwasan din ang paginom ng tubig sa gripo dahil hindi ito siguradong ligtas.

Maging aktibo o mag-ehersisyo. Maraming paraan para makapag-ehersisyo at magpapawis kahit isang oras lamang. Gumising ng maaga, maglalakad-lakad, mag-jogging, o kaya naman, kumilos at maglinis ng bahay hanggang pagpawisan. Sa loob lamang ng 30 minutos na pagiging aktibo ay may nagagamit na kilocalories (Kcal) sa katawan. Base sa pag-aaral ng Harvard University, ang isang mommy na may timbang na 56 kilos ay gumagamit ng 75 Kcal sa pagluluto at 105 Kcal naman sa pag-aalaga ng bata (pagpapaligo at pagpapakain). Kung nasa 70 kilos na ang timbang, umaabot sa 93 Kcal ang nagagamit sa pagluluto at 130 Kcal sa pag-aalaga ng bata.

Kumain ng mga pagkaing may fiber, vitamins, at minerals. Ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ang fiber, o higit na partikular, dietary fiber, ay hibla ng mga pagkaing mula sa halaman na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain. Tumutulong ito upang mapanatili ang maayos na digestive health, makontrol ang blood sugar level ng katawan, mapababa ang cholesterol ng katawan, at mapanatili ang timbang. Ang mga prutas at gulay ay isang halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa fiber.

MAy bonus tips pa si Mommy Shiela dahil ang 2 slices ng NeuBake Super Slice Wheaten Bread ay magbibigay ng 23% ng inyong daily fiber needs!

Ang Super Slice Wheaten Bread ay nagtataglay din ng mga sumusunod na sustansya:
• Iron na nakatutulong sa pagpapanatili ng malusog na red blood cells sa dugo
• Vitamin A na nakatutulong sa pagpapanatili ng mahusay na paningin
• Calcium na nakatutulong sa pagpapanatili ng matibay ng mga buto at makaiwas sa osteoporosis
• Vitamin B3 na isa sa walong Vitamin B na nakatutulong sa pagpoproseso ng taba (fats) sa katawan, pagpapababa ng cholesterol, at pagreregulisa ng blood sugar level

Kaya naman sa presyong Php35, super sulit na dahil ang NeuBake Super Slice Wheaten Bread ay gawa sa specially processed whole wheat flour at puno pa ng fiber, vitamins at minerals.

Mga mommies, no more worries! Sundin lang ang mga tips na hatid ni Mommy Shiela at ng NeuBake Super Slice Wheaten Bread. Makatutulong na sa pagpapanatili ng maganda at fit na katawan, makatitiyak pa na makabubuti sa kalusugan. Maaring bumili ng NeuBake sa pinakamalapit na supermarket, grocery store, o suking tindahan. Para sa recipe ideas at regular na updates, i-like lamang ang NeuBake page sa Facebook (@NeuBakeph)