Una sa Balita

Health risk sa BPO, tutukan ng DOH

By
0 9

Tinutukan ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga call center agent na nahaharap sa health risk dahil sa kawalan ng sapat na tulog at stress sa trabaho.

Kaugnay nito, bumuo ang DOH ng BPO (Business Process Outsourcing) Healthcare Program katuwang ang mga pribadong kumpanya sa layuning mabigyang ng de-kalidad na healthcare information ang mga call center agent.

Isa sa mga istratehiyang nakikita ng DOH ay ang pagsasanay sa mga healthcare professional gamit ang mga BPO-specific health modules na makakatulong para mabantayan at mapaghusay ang kalusugan ng mga BPO employee.

Ayon kay DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, kinakailangang mapangalagaan ang kalusugan ng mga call center agent dahil sa panganib na sila ay dumanas ng seryosong kundisyon sa kalusugan gaya ng respiratory tract infection, gastrointestinal disease, diabetes, cardiovascular diseases at mental health diseases.

“These BPO employees represent a significant portion of our country’s workforce today, thus, it is imperative that we address every health risk that they face in their work including lack of sleep, job-related stress which they try to counteract with unhealthy lifestyles, among others,” saad ni Ubial.

Ang BPO Healthcare Program ay sisimulang ipatupad sa huling bahagi ng taong ito.

Noong ng 2016, uma­bot na sa 1.3 million na ang kabuuang bilang ng mga call center agent sa bansa, at ang BPO industry ay isa sa mga itinutu­ring na fastest growing sector sa Pilipinas.