Una sa Balita

HEALTH FRONTIERS: Pangit ang legs

By
0 103

Meron akong varicose veins. Masakit ang binti ko kapag matagal akong nakatayo. Dalawa kami ng nanay ko ang may ganitong problema. Ano ang gagawin namin? — Andrea.

***

Ang varicose veins ay malalaking ugat na pangit tingnan at maaaring sumakit. Kahit anong ugat ay puwedeng lumaki pero kadalasan makikita ito sa paa at binti. Malakas kasi ang pressure sa ugat doon kapag nakatayo o naglalakad.

Pangkaraniwan ang varicose veins sa mga may edad, mga babae dahil sa hormonal changes na dala ng pagbuntis at menopause, sa mga matataba, at sa mga taong nakaupo o nakatayo nang matagal.

Para maiwasan o mabawasan ang varicose veins, mag-­exercise lagi. Maglakad kung maaari para gumanda ang sirkulasyon ng dugo sa binti. Magbawas ng timbang kapag mataba. Bawasan ang pagamit ng asin para hindi mamaga ang binti.

Huwag gumamit ng high heels. Mas maganda ang low-heeled shoes para sa varicose veins. Iwasan ang masikip na damit dahil may epekto ito sa sirkulasyon ng dugo. Itaas ang binti kung may pagkakataon para makatulong sa sirkulasyon. Humiga at ipatong ang binti sa ibabaw ng tatlo o apat na unan.

Iwasang tumayo o umupo nang matagal. Baguhin ang posisyon para makatulong sa daloy ng dugo. Gumalaw kada 30 minuto kung maaari. Huwag umupo with crossed legs.

Puwede ring bumili ng compression stockings sa malala­king botika. Isuot ito ng buong araw para maka-circulate nang mabuti ang dugo. Kung grabe ang varicose veins, meron­ ding prescription-strength stockings. Piliin ang tamang sukat para sa iyo. Dapat matibay ito pero hindi gaanong masikip.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 09359720691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo rito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy