Una sa Balita

Health Frontiers: Nahihirapan

By
0 5

Labing-limang taon gulang ako at mabaho ang ihi ko. Nahihirapan din akong umihi at sumasakit ang tiyan ko. Ano kaya ang sakit ko? — Name withheld.

***

Ang amoy ng ihi ay galing sa mga kemikal na nilalabas ng kidneys. Ang malabnaw na ihi ay halos walang amoy pero kapag puno ito ng kemikal ay bumabaho ito. Maaring sintomas ito ng impeksiyon sa kidney, diabetes o urinary tract infection. Puwede rin bumaho ang ihi kung mahilig kang kumain ng asparagus o dahil sa Vitamin B6 supplements.

Kung nahirapan kang umihi at masakit ang tiyan mo, maaring meron kang prostatitis o pamamaga ng prostate gland na siyang gumagawa ng semen. Galing ito sa bacteria na dala ng ihi na pumapasok sa prostate. Puwede rin magka-prostatitis kapag kulang ka sa tubig, na aksidente ka sa pagbibisikleta o nakikipagtalik ka sa taong may sakit.

Antibiotics ang gamot nito. Makakatulong din kung magbabad ka sa mainit-init na tubig, iwasan ang alak, caffeine at maanghang na pagkain, umupo sa unan at huwag magbisikleta.

***

Sakit ba ang labis na pamamawis? Ano ang gamot nito? Salamat! — Name withheld.

***

Oo, ang hyperhidrosis o labis na pamamawis ay sakit na dulot ng metabolic o neurologic problems. Pero maari ka rin magkaroon nito kahit healthy ka. Basahin ang Enero 23, 25 & 27, 2012 at Abril 29, 2013 issues ng Abante sa www.abante.com.ph kung paano ginagamot ito.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 09359720691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.