Una sa Balita

HEALTH FRONTIERS: May butas

By
0 7

Ano ang bawal kainin kapag may goiter?
Sa­lamat! — Name withheld.

***

Kadalasan, ang sanhi ng goiter ay kakulangan sa iodine, Pero maaari ring magkaroon nito kapag sobra ang iodine sa katawan. Ang tawag dito ay sporadic goiter. Kung ganito ang kaso mo, iwasan ang mga pagkaing mayaman sa iodine tulad ng iodine-fortified salt, hipon, shellfish, seaweed at iodine supplements.

Ang iba pang pagkain na maaaring magdulot ng goiter kapag napadami ang kain ay soybeans, repolyo, peaches, mani at spinach.

***

May butas ang isang ngipin ko at sumasakit ito. Kapag pinapasta ko ba, mawawala ba ito? — Name withheld.

***

Siyempre naman kasi aayusin na ito ng dentista. Para mawala ang sakit pansamantala, magmumug ng maligamgam ng tubig at gumamit ng dental floss para matanggal ang anumang pagkaing nasa loob ng butas.

Pwedeng gumamit ng over-the-counter painkiller. Huwag lagyan ng tableta ng aspirin o anumang painkiller sa butas kasi nakaka-irita ito at baka masunog ang gilagid.

***

Masakit ba talaga ang goiter kapag nagsisimula pa lang? — Alexa.

***

Hindi lahat ng goiter ay may sintomas. Kung meron man, hindi masakit ito kundi parang naninikip ang lalamunan. Maaa­ring makaranas ng ubo, pamamaos, at hirap sa paghinga at paglulon. Ang ibang sintomas ng goiter ay pagkapagod, pagtaba o pamamayat, irritability at hirap sa pagtulog.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa https://twitter.com/georgenavatrue.