HEALTH FRONTIERS: Masakit ang ulo

By

Ano ang dapat inumin na gamot sa Hepa B? Sana matulungan niyo ako. — Name withheld.

***

Kung acute Hepa B ‘yan, kusang mawawala ito at hindi na kailangan gamutin. Bibigyan ka lang ng doktor ng gamot para mabawasan ang sintomas habang nilalabanan ng katawan ang impeksiyon. Kung meron kang chronic Hepa B infection na maaaring magdulot ng liver cancer o makakasira ng kidney, kailangan ng antiviral­ medicines. Kausapin ang doktor tungkol dito.

***

Ano ang gamot sa sakit ng ulo na dulot ng pagbabad sa araw? — Name withheld.

***

Puwedeng uminom ng over-the-counter painkiller pansamantala­. Iwasang magbabad sa araw dahil madaling magka-wrinkles ang ­balat at maaari kang magkaroon ng skin cancer sa katagalan. Kung hindi maiwasan ito, gumamit ng payong o magsuot ng sumbrero.

***

Bukod sa saging, anong pagkain ang mayaman sa potassium? Salamat! — Name withheld.

***


Ayon sa mga eksperto, mas maganda kung umabot sa 4,700 milligrams (mg) kada araw ang makakain natin na potassium ­para bumaba ang blood pressure. Sabi ng mga doktor sa WebMD, makukuha ito sa mga sumusunod na pagkain:

* Winter squash, cubed, 1 cup, cooked: 896 mg
* Sweet potato, medium, baked with skin: 694 mg
* Potato, medium, baked with skin: 610 mg
* White beans, canned, drained, half cup: 595 mg
* Yogurt, fat-free, 1 cup: 579 mg
* 100% orange juice, 8 ounces: 496 mg
* Broccoli, 1 cup, cooked: 457 mg
* Cantaloupe, cubed, 1 cup: 431 mg
* Banana, 1 medium: 422 mg
* Pork tenderloin, 3 ounces, cooked: 382 mg
* Lentils, half cup, cooked: 366 mg
* Milk, 1% low fat, 8 ounces: 366 mg
* Pistachios, shelled, 1 ounce, dry roasted: 295 mg
* Raisins, quarter cup: 250 mg
* Chicken breast, 3 ounces, cooked: 218 mg
* Tuna, light, canned, drained, 3 ounces: 201 mg

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 09359720691. Sasagutin ni George ang problema mo rito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books.

SHARE