HEALTH FRONTIERS: Masakit ang dibdib

By

Labing-limang taong gulang ako at mabaho ang ihi ko. Nahihirapan din akong umihi at sumasakit ang tiyan ko.

May bukol din ako sa ­dibdib. Ano kaya ang sakit ko at ano ang gagawin ko? ­Salamat at God bless you! — Name withheld.

***

Ang amoy ng ihi ay galing sa mga ­kemikal na nilalabas ng ­kidneys. Ang malabnaw na ihi ay halos walang amoy pero kapag puno ito ng kemikal ay ­bumabaho ito.

Maaaring sintomas ito ng impeksiyon sa kidney, ­diabetes o urinary tract infec­tion. Pwede ring bu­maho ang ihi kung mahilig kang kumain ng ­asparagus o dahil sa Vitamin B6 ­supplements.

Kung nahihirapan kang umihi at masakit ang tiyan mo, maaaring meron kang prostatitis o pamamaga ng prostate gland na siyang gumagawa ng semen. Galing ito sa bacteria na dala ng ihi na pumapasok sa prostate. Pwede rin magka-prostatitis kapag kulang ka sa tubig, na aksidente ka sa pagbibisikleta o nakikipagtalik ka sa taong may sakit.

Antibiotics ang ­gamot nito. Makakatulong din kung magbababad ka sa mainit-init na tubig, iwasan ang alak, caffeine at maaanghang na pagkain, umupo sa unan at huwag magbisikleta.

Pumunta agad sa doktor kung ang bukol sa dibdib ay lumalaki, ­hindi masakit, namumula o nag­babalat ang utong, may tubig na lumalabas sa utong o pumapasok ang utong. (nipple retraction). Maaaring sintomas ito ng breast cancer.

Kadalasan, ito ay sintomas ng gynecomastia. Lumalaki ang breast tissue sa lalaki dahil ­hindi balanse ang dami ng hormones na estrogen at testosterone sa katawan. Kusa itong nawawala pwera lang kung ang sanhi nito ay liver o kidney disease.

***


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691.

Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books.

SHARE