Una sa Balita

‘Heal Our Land’ ni Regine super trending: Mga fan nabuhayan ng loob sa ‘Ililigtas Ka Niya’ ng mga Kapamilya singer

0 572

Nabuhayan ng loob ang mga netizen na nakapanood ng sing-along ng mga Kapamilya singer ng “FPJ’s Ang Probinsyano” theme song na “Ililigtas Ka Niya” nitong Linggo (Marso 29) sa “ASAP.”

Sinimulan ni Gary Valenciano ang video sa isang munting dasal. Kasama sa video ang footages ng ating mga doktor, nurse, police, at ilan pang mga essential worker na nagsasakripisyo at nagtratrabaho pa rin sa bansa kahit na may banta sa kani-kanilang buhay.

Kabilang sa mga kumanta ay sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ebe Dancel, Angeline Quinto, Erik Santos, Lea Salonga, Lani Misalucha, Jaya, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Jason Dy, KZ Tandingan, Kyla, at Jay-R.

Comment ni YouTube user, Leandro Cayanan, “Only ABS-CBN lang ang may ganito. lagi may ganap. sincere & genuine.”

“Wow ABS CBN! This is absolutely an enlightening hymn and empowering everyone to keep calm and worship God bless more amidst COVID-19 pandemic,” sabi ni YouTube user, Fitz Gerald Villanueva.

Sabi ni Ekrichell Escarilla, “Your pure hearts are lifting us everyday. Thank You.”

Bukod sa kantang “Ililigtas Ka Niya,” nag-trending din ang version ni Regine na “Heal Our Land.”

Sa kabila nga ng unos na pinagdadaanan ng mga Pilipino, patuloy ang ginagawang mga effort ng Dos para naman pasiglahin ang puso ng bawat Kapamilya. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More