Una sa Balita

Headbutt ni Romeo, P20K ang katumbas

Trobol pa more!

By
0 799

ANG head butt ni Terrence Romeo kay Matthew Wright, naging katumbas ng P20,000 multa mula sa tanggapan ni PBA Commissio­ner Willie Marcial.

Sa 118-114 overtime win ng TNT KaTropa noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, nagkapisikalan ang Texters guard at counterpart niya sa Columbian Dyip na si Wright.

Tumawag ng timeout ang TNT sa final minute ng OT, bago dumiretso ng bench si Romeo ay nakipagtitigan muna kay Wright. Maya-maya, umigkas ang ulo ni Romeo at tumama sa dibdib ng Fil-Am guard.

Abante Hiring – IT dep

Natawagan ng technical foul si Romeo, at P1,000 fine para sa se­cond motion.

Bago natapos ang laro, iniwan ni Romeo si Wright at umiskor sa pahirapang layup. Pagpasok ng bola, hinarap ni Romeo si Wright at sinigawan.

Hindi rin siya pinaligtas ng PBA rito at binigyan pa ng karagdagang P1,600 fine dahil sa pambubuyo tungo sa kabuuang P22,600 multa.

Sa hiwalay na insidente, pinagmulta ng P20,000 si Dyip import Akeem Wright nang itaas sa Flagrant Foul Pe­nalty 2 ang pagkakasagi niya kay Aljon Mariano ng Ginebra sa 96-84 win ng Gin Kings noong Biyernes.

Sinuspinde ng PBA sina referee Sherwin Pineda (2 game days), Mardy Montoya (2 game days), Rey Yante (3 game days) at Rolando Dacanay (3 game days). ()