Una sa Balita

Head ng TV station bad trip kay Mark Bautista

By
0 5,364

Naging matagumpay ang katatapos na 34th PMPC Star Awards for Movies na idinaos sa Newport Theatre sa Resorts World Hotel & Casino. Mga artista ng ABS-CBN ang mga performer komo sa ABS CBN as usual ang airing.

Ang pinakiusap lang sa amin ng aming producer na iwasang lapitan at interbyuhin si Mark Bautista as requested ng Viva Artist Agency na nagha-handle kay Mark. Ganoon na nga ang nangyari at walang nangahas lapitan ay interbiyuhin ang kontroberyal na singer ngayon.

Ito ay nag-ugat sa librong inilabas niya kung saan ipinagtapat niya ang tunay na sexuality niya.

Ang CNN Journalist na si Anderson Cooper daw pala ang nag-encourage kay Mark na sumulat ng isang libro tungkol sa tunay niyang pagkatao nang sinabi ni Mark ang mga saloobin niya sa respetadong journalist na nag-open din ng kanyang sexuality sa publiko.

Kontrang-kontra naman ang head ng isang network sa ginawa ni Mark at bad shot na siya sa nasabing istasyon. Gayun pa man ay mukha namang hindi pinagsisihan ni Mark ang ginawa niya.

Miguel, Bianca ayaw nang maghiwalay

Napakasuwerte ng loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at mahal na mahal sila ng kanilang mga fan. Patunay lang ang mataas na ratings na natatanggap ng Kambal Karibal lately.

Ang maganda ay ang rapport ng dalawa at magkasundo sila. Sa mahabang panahon ay lalo silang nagiging close at parehong nagko-cooperate sa loveteam nila.

Hindi sila naghihiwalay kahit sa mga family affair ng kanya-kanyang pamilya. Kaya hindi ako magtataka kung sila ang magkatuluyan although maraming taon pa ang pagdadaanan nila bago nila maisip ang mga seryosong relasyon.

Sina Bianca at Miguel ay regular na rin mapapanood sa Sunday Pinasaya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More