Una sa Balita

HE teacher na erpat, petmalu sa pag-design ng gown

0 400

IPINAGMALAKI ng isang 18-anyos na dalaga ang kanyang ama na may kakaibang talento sa pananahi at ibinahagi niya sa social media.

Ayon kay Toni Masil, ang kanyang amang si Gregorio ay isang home economics teacher sa Francisco Nepomuceno Memorial High School sa Pandan, Angeles City, Pampanga.

“Daddy started sewing no’ng binigay sa kanya ng school nila ‘yung subject na dressmaking. Ayaw daw po niya humarap sa mga students na hindi alam ang ginagawa niya so nag-aral po siya gumawa ng patterns and magtahi (sa tulong ng) Youtube,” ayon kay Toni.

Sinabi ni Toni na ang unang gown na ginawa sa kanya ng ama ay para sa Belle costume na ginamit niya sa isang school activity.

Kabilang sa mga nagawang gown ng ama ng dalagita ay ang mga ball gown, long gown, classic black dress na pawang gawa sa mga recycled material.

Nanalo pa umano si Toni bilang ‘Prom Queen’ at ‘Best in Costume’ sa dalawang magkahiwalay na okasyon sa mga gown na tinahi ng kanyang ama. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy