Una sa Balita

Hazing sa Iloilo

By
0 9

Posibleng maharap sa kasong administratibo kapag hindi sinampahan ng kaso ang mga miyembro ng Triskelion Fraternity na nahuling nagsasagawa ng hazing sa Brgy. Fernando Parcon Ward, Pototan, Iloilo.

Ito ang ibinabala ng National Police Commission (Napolcom) na tumutukoy sa mga pulis ng Pototan, Iloilo.

Ayon kay Allen Camiring, pre-charge investigator at information officer ng Napolcom Region 6, responsi­bilidad ng Pototan Police na magsagawa ng imbestigasyon at patunayang lumabag sa Anti-Hazing Law ang mga miyembro ng Triskelion Fraternity.

Ayon sa Napolcom, imo-monitor nila ang Pototan Municipal Police Station at kapag hindi nagsagawa ng imbestigasyon, kasong irregularity in the performance of duty ang kakaharapin ng mga ito.