Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hayward halos P6B sa 4-taon kontrata

0 74

Kasado na ang kontrata ni All-Star forward Gordon Hayward sa Charlotte Hornets.

Nagkakahalaga ang `halimaw’ nitong 4-taong deal sa tumataginting na $120M (kulang-kulang sa P6B).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binitbit si Hayward ng Hornets kasunod na rin ng pagkakaampon nila sa No. 3 overall pick sa NBA draft na si point guard LaMelo Ball.

Nauna rito’y inalok ng Boston si Hayward para maglaro uli sa Boston sa ikaapat na season. Nilatagan siya ng $34.2M player option pero umayaw. Bukod ditto, niligawan din siya ng kanyang home state na Indiana Pacers.

May average si Hayward na 15.3 points, 4.4 rebounds at 3.5 assists sa 10-taong career sa Utah Jazz at Boston Celtics. (Aivan Denzel Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.