Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hays pumalo ng MLB record

0 48

NAGLISTA si Austin Hays ng baseball cycle nang ilampaso ng Baltimore Orioles ang Washington Nationals 7-0 Miyerkoles ng gabi.

Kinumpleto ni Hays ang cycle sa sixth-inning double sa gitna ng ulan bago tinigil na ang play.

Nagawa niya ito bilang leadoff batter kahalili ng pinag-night off na si Cedric Mullins.

Laban kay Nationals lefty Patrick Corbin, pumitik si Hays ng infield single sa first inning, solo shot sa third at triple pa sa fourth.

Dalawang inning pa ang nakalipas, kumpleto na ang cycle at sinamahan ni Hays sina Hall of Famers Brooks Robinson at Cal Ripken Jr. sa record books ng Orioles.

Anim na players pa lang ng Baltimore franchise ang nakakakumpleto ng cycle.

Dumating ang kay Hays sa apat na at-bats, apat na hits sa loob lang ng six innings.

“Beyond unbelievable. An epic night,” ani Orioles manager Brandon Hyde. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.