Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hayohoy idinuyan Iligan vs Basilan

0 110

BUMIDA si Jack Hoyohoy ng double-double job upang putulin ang 4-game slide ng MFT Iligan City sa pagsilat sa defending Southern at Mindanao champion Basilan BRT, 72-65 sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Mindanao Challenge Martes ng Pagadian City Gymnasium.

Umararo si Hoyohoy ng 24 points at 13 rebounds para tagpasin ang 12 puntos na kalamangan ng Basilan at kunin ang panalo ng kanyang kampo na may umangat sa 2-5 na pampito’t kulelat pa rin sa liga.

Rumatrat din para sa Iligan si Herald Benedictos na bumakas ng 14 mula sa 4 na trey sahog pa ang 7 rebounds.

Bitin naman ang 18 markers ni Nikko Panganiban sa bumagsak sa fifth spot at 3-4 na Peace Riders. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.