Una sa Balita

Hayden binira sa ‘end of the world’ post

0 437

Nagkaisa ang mga artista sa panawagan para sa kaligtasan ng lahat dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal. Napuno ang social media ng iba’t ibang mensahe mula sa mga kilalang Pinoy showbiz personality na humingi ng dasal para mailayo sa kapahamakan ang lahat, lalo na ang mga nasa karatig lugar sa Taal.

May mga nag-message caption pa ng mga verse sa Bible para manalangin, tulad nga ni Jaya.

Nag-post din si Hayden Kho ng verse mula sa Bible pero pinuna siya ng ilang mga follower niya dahil ang nilalaman ng mensahe ay tumutukoy sa kung ano ang mga senyales na hindi magandang magaganap sa pagdating ng paghuhukom. Na parang mala-end of the world na nga ang post niyang ‘yon.

Heto ang post ni Hayden:

“2 Peters 3. The world will be destroyed by fire…”

“First off, you need to know that in the last days, mockers are going to have a heyday. Reducing everything to level of their puny feelings, they’ll mock, ‘So what’s happened to the promise of Jesus’ Coming? Our ancestors are dead and buried, and everything’s going on just as it has from the first day of creation. Nothing’s changed.

“The conveniently forget that long ago all the galaxies and this very planet were brought into existence out of watery chaos by God’s word. Then God’s word brought the chaos back in flood that destroyed the world. The current galaxies and earth are fuel for the final fire. God is poised, ready to speak his word again, ready to give the signal for judgement and destruction of the desecrating skeptics’ 2 Peter 3:4-7…”

Kinabuwisitan si Hayden sa tila pananakot pa nito sa gitna ng pag-aalala ng mga tao sa mga kalamidad na posibleng dumating pa. Sa halip na palakasin daw ni Hayden ang loob ng mga tao, lalo pa raw nitong dinadagdagan ang takot ng mga ito.

@jjjanch: “Sir, you need to reassure people and not put other scare into their hearts. Not all are capable of handling such stress these moments. Pray out loud but do not scare people.”

Sagot ni Hayden: “@jjjanch, A warning is not a scare. Let’s agree to do what we think is best, ok. As for me, I will share what God said in his word so that people are aware.”

Hindi rin pumabor ang isa pang follower ni Hayden sa pagbabahagi nito ng salita ng Diyos.

@jeremywelcome: “No really sure if this is the most comforting to say in a time where those near Taal are worried for their lives amidst an almost erupting volcano. Hope you can shed more light to this I am quiet confused on the context.”

Sagot ni Hayden: “@jeremyvelmonte. Hope this helps: there are two levels of danger: one earthy, another other-wordly. Both should make us fall on our knees and pray. And pray right know.”

Pero may mga umayon naman sa post ni Hayden, ngunit mas marami ang kumontra.

Mother nature seems pissed off – Lea

Heto pa ang iba’t ibang reaksyon nga mga artistang Pinoy sa nangyari sa Taal.

@jedmadela: “Stop posting jokes and memes about Taal. It’s not funny at all.”

@frankiepangilinan: “Sa lilim ng itong pagsubok, sa lilim ng ulap na usok, pagpapakumbaba ang aking puso.”

@dawnzulueta: “There’s no time to be bored in a world as beautiful as this! #glorytogodinthehighest.”

@msleasalonga: “photo by @coffee_dante taken from @mommymaricel’s IG feed. I’ve never seen Taal Volcano like this. Mother nature seems pissed off.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More