Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hawks sinilat Bucks: Trae umararo ng 48 puntos

0 141

PARANG beterano sa kanyang playoffs debut si Trae Young, inumpisahan ang East finals sa nakakangilong pasabog na 48 points para ikampay ang Atlanta sa 116-113 win laban sa Bucks Miyerkoles ng gabi sa Milwaukee.

Hindi nabahag si “Ice” Trae sa maingay na crowd ng dinayong team.

“Ever since I was in middle school, when I was going on the road in middle school, I always loved playing on the road,” lahad ni Young, may sahog pang 7 rebounds at 11 assists.

Nagdagdag ng 23 points at 15 rebounds si John Collins.

Mula sa mintis na drive ni Young, dinamba ni Clint Capela ang kanyang 19th rebound at ibinalik sa rim ang go-ahead putback 29 seconds – pang-12 puntos niya sa laro.

Nakipagsabayan sina Giannis Antetokounmpo (34 points, 12 rebounds) at Jrue Holiday (33 points, 10 assists), pero naubusan ang Bucks sa dulo.

Walang ipinasok sa siyam na bato sa 3-point range si Khris Middleton kabilang ang panabla sana sa dulo.

Overall ay 6 of 23 sa field si Middleton tungo sa 15 points.

Game 2 sa Milwaukee sa Sabado (araw sa Manila).

Tinahi ni Antetokounmpo ang first 6 points sa 9-0 run ng Milwaukee para lumamang 105-98, pero sumagot ng 5 straight ang Atlanta. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.