Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hawak kamay sa dagat: Budoy, Buday todo lambingan sa Zambales

0 125

Sunud-sunod na ang ‘sightings’ kina Gerald Anderson at Julia Barretto, ha!

Isang araw matapos umamin ni Gerald na yes magdyowa na sila ni Julia, agad-agad na naglabasan ang mga photo na magkasama sila sa isang event na ‘Coast Guard’.

At yes, couple shirt (bagamat uniform `yon na kulay orange) ang suot nila na may tataka na ‘Coast Guard Auxiliary’. Parang may kinalaman `yon sa gift giving ni Gerald, dahil nataon na birthday nga naman niya.

Anyway, suportado ng Philippine Coast Guard ang relief operations na `yon ni Gerald sa Barangay San Agustin, Iba Zambales.

Bale 300 na pamilya ng mga Aeta ang nabiyayaan sa lugar na `yon na tinawag na Lupang Pangako Resettlement Area.

“Nagpapasalamat ako kasi kasama ko kayo sa birthday ko. Sana nakapagbigay ng kaunting saya sa inyo ang pagbisita namin dito. Hiniling ko rin na maging partner kami ng komunidad na ito sa mga susunod pang pagkakataon,” sabi ni Lieutenant Commander Gerald.

At agad-agad din, nasundan ang eksenang `yon, at sa mismong resort naman ni Gerald naganap ang pagsasama nila.

Bagamat parehong nakatalikod habang naglalakad sa tabi ng dagat, sweet na sweet nga ang dalawa. Holding hands while walking ang drama nila.

Sabi nga, kung politiko lang si Gerald, feeling first lady na agad ang

datingan ni Julia.

Well, at least, hindi na ‘babae sa dilim’ si Julia, na itinatago ni Gerald, ha! Na malaya na silang nakakarampa na magkahawak ang mga kamay.

At yes, malaya na rin silang ipagmalaki ang relasyon nila, hindi tulad noon na panay ang deny, at tago nang tago.

Anyway, wag na lang silang magbasa ng mga komento sa mga photo na meron sila, dahil siguradong mawawasak ang mga dibdib nila sa sakit, tindi ng mga akusasyon sa kanila.

Lalo na sa part ni Julia, na lahat na yata ng masasakit na tawag, ‘name calling’ ay ibinato sa kanya. Pero, for sure, dedma naman siya dahil tila lunod din siya sa ligaya sa piling ni Budoy.

At sabi nga, sa wakas, nahanap na rin ni Budoy ang kanyang Buday.

Joshua ayaw sumawsaw sa JulRald

Agad-agad namang nag-isyu ng statement si Joshua Garcia sa balitang suportado, at binati niya ang mga bagong amin na magdyowa na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ramdam nga na ayaw sumawsaw ni Joshua sa kung ano man ang meron sina Julia at Gerald. Na dapat lang naman, di ba?

“FYI po, this one is not mine and I don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.” – Joshua Garcia.

Kaloka naman kasi ang lumabas na kuwento na nag-react si Joshua, gamit ang FB account na pangalan niya at mukha niya ang nakalagay. Heto nga ang mensahe na itinanggi ni Joshua.

“Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto. Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba.”

Well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.