Una sa Balita

Hatol sa Ampatuan massacre ilalabas sa Nobyembre

0 281

MATAPOS ang halos isang dekadang imbestigasyon at mga naranasang delaying tactics at pagpapaliban ng court hearing ay natapos din ang pagdinig sa Maguindanao massacre case.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na siya ring Co-Chairman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), idineklara na ng korte na ‘deemed submitted for decision’ ang Maguindanao massacre case kung saan pangunahing mga akusado ang ilang

Ayon kay Secretary Andanar, inaasahang madedesisyunan ang kaso sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

Umaasa ang kalihim na makakamtan ng pamilya ng mga biktima ang hustisya mula sa nangyaring karumal-dumal na krimen.

“One of the most despicable acts against journalists in the history of the world will finally come to a close. We expect that justice will ulitmately prevail for the victims and their families,” ani Andanar.

Hinangaan din ng Malacañang ang dedikasyon ng mga law enforcement unit, prosecutor at ang PTFoMS sa hangaring matapos ang pagdinig ng kaso.

Tinitiyak ng task force na babantayan ang sagradong proseso ng hudikatura para matiyak na makamit ang hustisya sa mga naging biktima ng Maguindanao massacre.

Adhikain ng Duterte administration ay magkaroon ng kalutasan ang kaso para mabigyan ng hustisya ang mga biktima na karamihan ay miyembro ng media.

Nakatakdang gunitain ang ika-10 anibersaryo ng Maguindanao massacre sa ika-23 ng Nobyembre, 2019 at inaasahan ang promulgasyon ng kaso bago ang anibersaryo ng malagim na krimen. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy