Una sa Balita

Hatol sa 5 suspek sa Jolo blast inaabangan

By
0 470

NAKATAKDA nang resolbahin ng Department of Justice (DOJ) ngayon linggo ang kasong isinampa laban sa limang suspek na sangkot umano sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo cathed­ral sa Jolo, Sulu.

Nabatid na nakumpleto na ng DOJ ang mga inquest proceeding laban sa mga suspek na sina Mukammar L. Pae/Kammah L.
Pae alyas Kammah; Albaji K. Gadjali alyas Apah Albaji/Awag; Radjan B. Gadjali alias Rajan; Kaisar B. Gadjali alias Isal; at Said Alih alyas Papong.

“The prosecutor has terminated the inquest proceedings and deemed submitted for resolution the case against the five arrested suspects in the Jolo Cathedral bombing,” ayon kay DOJ spokesman Undersecretary Mark Perete.
Habang pitong iba pang suspek at ilang John at Jane Doe ang patuloy pang nakakalaya.

Ang mga suspek ay nahaharap sa 23 counts ng murder, frustrated murder at damage to property na isinampa ng Sulu Police Provincial Office sa DOJ.

Una nang sumuko ang apat na suspek para linisin ang kanilang pangalan, habang naaresto naman si alyas Kammah na itinurong pangunahing suspek sa pagbomba sa simbahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More