Una sa Balita

Hatol ng FIBA makatarungan ba?

By
0 2,290

Kabayan, mag-ingat po tayo sa matitinding bagyong dumada­ting. Halos mag-iisang linggo na ang perwis­yong nai­dudulot nito. 

***

BALITANG FIBA! Hinatulan na ang GILAS PILIPINAS sa nangya­ring rambol sa Philippine Arena at umabot yata sa halos P15 milyon ang ibabayad ng MVP Group sa FIBA. 

Maraming nagtatanong na mga nakasaksi ng gulo. Ang karamihang tanong nila ay kung TAMA tayo sa rambol na ipinagtatanggol lang natin ang sarili? Karapatan at pride ang nakataya, BAKIT TAYO MAGBABA­YAD HINDI BA?

Admission of guilt iyon hindi ba kapag nagbayad ang Gilas? Bakit hindi mag-file ng complaint ang GILAS kontra sa AUSTRALIA?

Maging aral sana sa lahat ng manlalaro ang FIBA BRAWL na dapat huwag pa rin dapat mawawala ang primary purpose ng bawat koponan na “There is no substitute to victory.” 

Kung ang mga manlalaro ba ang magbaba­yad ng multa sa resulta ng laro, makikipag-away pa kaya sila sa mga Australian?

Ang dami talagang tanong ng tagasubaybay ng ating pahayagan at mga miron ng basketball kung bakit umabot sa ganoong pangyayari na puwede namang ­awatin.

Matatalino na ang ating mga fan sa basketball. Kung minsan lang talaga, nakakasama yung mga nakikita natin sa ibang programa na tulad ng MMA na para bang tila nadadala nila sa loob ng court.

Ang pinaka-objective diyan sa FIBA ay mag-compete to the highest level, prepare well, send the best team at learn from every experience.

Malayo pa rin tayo pagdating sa skills at edad ng mga lumalaban sa Gilas. May katandaan na rin ang ating pinapadala kumpara sa mga nakakalaban natin.

Madami talagang tanong at parang tila yata bumalik tayo ulit sa dating panahon na kapag hindi tayo nanalo sa laro, sa AWAY o ‘di kaya RAMBOL na lang mauuwi para makabawi ng konti sa kahihiyan.