Una sa Balita

Hatol ng CA sa Glorietta blast kinumpirma ng SC

By
0 329

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng Ayala Land Incorporated (ALI) na humihi­ling ng P220 milyong insurance kaugnay sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2 noong Oktubre 19, 2007 na nagresulta sa pagkamatay ng 11 katao at pagkasugat ng 108 sa Makati City.

Sa kanilang 5-pahinang reso­lusyon na may petsang Oktubre 17, ibinasura ang petisyon ng ALI laban sa Standard Insurance Co. Inc. at pinagtibay ang desisyon ng Court of Appeals (CA) sa kaso.

Ibinasura rin ng SC ang petition for review na isinampa ng ALI dahil sa pagkabigo na maipakita na nagkamali ang CA sa kanilang desisyon noong Abril 13, 2018 at resolusyon na may petsang Agosto 7, 2018.

Nalaman na ang ALI ay pumasok sa “all risks” policy sa Standard Insurance at iba pang co-insurers, kung saan sakop ang biglaan at aksidenteng physical destruction o damage ng ari-arian.

Ayon sa SC, ang ALI ang ­unang nagdeklara na ang pagsabog ay sanhi ng explosive device na maituturing na ‘acts of terrorism.’ Nakumpirma din ito sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.

Hindi sakop ng insurance ­policy ang polusyon at ang ‘acts of terrorism.’

Napansin din ng SC ang pagbabago ng posisyon ng ALI kung saan sinabi na nila na ang pagsabog ay sanhi ng methane gas at diesel vapor buildup at hindi ng pag-atake ng mga terorista.

Una nang tinutulan ng Mala­yan Insurance ang claims dahil sa hindi sakop ang act of terrorism.

“To suddenly claim that the explosion was not caused by an explosive device simply because Malayan Insurance denied its (Ayala) claim under its terrorism policy with the latter is merely an afterthought that cannot be considered by this Court,” ayon pa sa ruling ng SC.