Una sa Balita

‘Hatawan 5-Cock’ round 3 ngayon

0 1,754

IKATLONG round ng “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” ang nag -iisang derbi sa Metro Manila ngayon, Huwebes, June 20 sa Roligon Mega Cockpit.

Umabot na sa 13 entries ang nakapasok sa grand finals sa Aug. 8 matapos umiskor ng tigatlong panalo.

Noong Huwebes, may 3-0 (panalo-talo) ang IS Pabuho, Talisay Warriors, Zoe and Scarlet, Red Bull Stradle 8, Red Bull Gamefarms, Buboy and Ric at Miguel JCO.

Bandang 4pm ang umpisa ng 3-cock elims ngayon, ani Roligon CEO Dennis Ligon. Hati-hati sa P100,000 ang mga  three pointer.

Puwede pang sumali sa June 27; July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals: Aug. 1 (1, 1.5, 2 at 2.5 points may premyong P400,000 sa 2 points) at Aug. 8 (3 points at straight five cocks).

“A guaranteed prize of P5 million is at stake for an entry fee of P11,000 and minimum bet of P5,500. The champion handler gets P100,000 and gaffer, P70,000,” ani Ligon.

Sa detalye: 519-7345 (Roligon office), 0920-9509090 (Shirley) at 0926-7134069 (Tiling). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy