Una sa Balita

Hashtag Ryle kinalmot sa mukha ng mga fan

By
0 3,505

Nagalusan (nakalmot) sa mukha si Ryle Santiago ng Hashtags sa sobrang dami ng estudyante sa Hinigaran National High school at mga tao sa Villadolid public plaza sa Negros Occidental na parehong matiyagang nag-antabay sa kanya para makita siya nang personal, makalapit at makayakap, at makapagpa-selfie with him.

Halos nagka-stampede sa dalawang venue kung saan ginanap ang School Is Cool Tour 2018 na handog ng Megasoft.

Sabi nga namin sa mabuting ina ni Ryle na si Sherilyn Reyes, parang kailan lang ay kinuha namin ang anak niya bilang escort sa isang sagala sa Binangon, Rizal noong magsisimula pa lang itong mag-artista, pero ngayon ay kung saan-saang parte na ito ng bansa nakakarating para sa trabaho niya ngayong ganap na artista na siya at ambassador ng Cherub baby care products.

Napapanood pa rin ang ‘nakshie Ryle o Paoie (tawag namin sa kanya at ng pamilya niya) namin sa It’s Showtime at Asintado (with his love team partner, the beautiful newbie Kira Balinger), gayon din sa ASAP kung minsan. Sa kabila ng trabaho niya sa showbiz ay nakukuha pa rin nitong isabay ang pag-aaral ng kolehiyo sa Bonifacio Global City na sana ay kaya rin gawin ng ibang mga batang artista upang maging tunay na inspirasyon sila sa kanilang mga tagahanga.

Hopefully, mapanood na rin natin this year ang pelikulang nagawa ni Ryle na Bakwit kasama ang kapwa Hashtags member niyang si Nikko Natividad at si Devon Seron na isinulat at idinirek ni John Paul Laxamana.

Dahil sa pagsisipag sa trabaho, sinorpresa si Ryle ng kanyang Mommy Shey at Daddy Chris Tan nang binili na nila nang cash ang gustong sasakyan ng young actor na FJ Cruiser gamit ang kanyang naipon na pera.

Binigyan lang daw ng mag-asawa ng allowance na good for one month si Ryle na siya na mismo ang nagba-budget para sa mga pangangailangan niya, luho, gas ng sasakyan niya at pagpapasuweldo sa kanyang sariling personal assistant.

Mga sulat ni Andres Bonifacio tinangkang bilhin ni Robin ng P4.6M

Nakita namin sa Instagram account ng ABS-CBN broadcast-journalist na si Ces Drilon na nakasama niya sa isang bidding event si Robin Padilla. Hindi ito bidding ng mga the usual na mahahaling gamit, tulad ng paintings, luxury cars, at iba pa, kundi ng mga lumang sulat ng ating magiting na bayani na si Andres Bonifacio.

Ayon sa caption ni Ces sa IG photos nila together ni Robin ay nag-bid ang isa sa tatlong bida ng teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso ng P2M. Willing din daw ang aktor na umabot ang kanyang bidding, with his companion, ng P4.6M! ‘Yun nga lang ay nakuha ang mga historical letters ni Bonifacio ng isang bidder sa halagang P4.8M na ikinatalo nina Robin na ginampanan noon ang papel ni Bonifacio sa pelikula.