Una sa Balita

Hashtag Nikko nairita: DJ Loonyo bagong kinahuhumalingan ng mga babae, beki

0 1,556

Kung ang kalalakihan ay may “Ivana Alawi,” aba may pangganti na rin ang kababaihan ngayon dahil mayroon din silang “DJ Loonyo.”

Bagong kinababaliwan ngayon ng kababaihan at kabadingan si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang “DJ Loonyo.”

Hindi lang mga Generation Z ang nahuhumaling sa kanya kundi halos lahat ng generation ay naaliw sa mga moves niya.

Tugtugan niya kasi ay mga musika ng 2000’s pero iyong mga steps niya ay sing-basic ng mga mapapanuod sa TikTok.

Kaya naman kung may Ivana na pinagseselosan noon ang kababaihan, it’s time now for the boys na magselos kay DJ Loonyo dahil grabe ngayon ang kababaihan kung i-marathon ang mga dance cover ng nasabing dancer.

Maski ang misis ni Hashtag Nikko na si Cielo Eusebio ay naadik sa panunuod sa mga dance cover ni DJ Loonyo.

Sa Instagram ng aktor, ibinahagi niya na nahuli niya ang kanyang asawa na pinanunuod ang mga dance cover ni Loonyo habang naghuhugas ng kung ano man sa lababo.

“Pag video ni Ivana Alawi pinapanood namen nagagalit kayo. Pero pag kayo nagda-dance marathon kay DJ Loonyo bawal kame magalit kasi dahilan nyo galing kasi sumayaw.

“WOW NASAN PO ANG HUSTISYA!” daing ng aktor.

Marami ang naka-relate na kalalakihan sa post ni Nikko at natawa naman ang karamihan sa mga babae.

Hindi nga lang yan ang post na may pabirong hinanakit si Nikko kay DJ Loonyo, hinamon pa nito ang dancer na mag-“general cleaning” ng bahay.

“Girls ‘di man ako hot sumayaw. Magaling naman ako maglinis ng bahay. Diba @cielo_0227 🤨🤨 @djloonyo hinahamon kita!! General cleaning tayo!!”

Rhemuel Lunio (@djloonyo) • Instagram photos and videos
Follow Rhemuel Lunio’s Instagram account to see all 404 of their photos and videos.

Bentang-benta sa mga netizen ang pagiging competitive ni Nikko para makuha ang atensyon ng kanyang misis.

“Gwapo na, aktor pa, dancer pa at marunong mag general cleaning! San ka pa?” hirit naman ng isang fan sa asawa ni Nikko. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More