Una sa Balita

Harry Styles tinangkang patayin sa London

0 399

Muntik na palang paglamayan ang former One Direction member na si Harry Styles noong nakaraang Valentine’s Day. Ayon sa report ng Mirror UK, tinutukan ng kutsilyo ng isang hindi kilalang lalaki si Styles habang nasa isang night out ito sa London.

Hindi nga raw nanlaban ang singer at binigay nito ang mga hinihingi sa kanya ng misteryosong lalaki.

“He actually played it pretty cool, quickly giving the assailant cash, keeping himself and the guy calm and getting the situation over with. Understandably, though, it left him very shaken up afterwards,” ayon sa report.

Agad na ni-report ni Styles ang pangyayari sa London police at nagkaroon na ng im­bestigasyon.

“Officers were contacted on Saturday, 15 February regar­ding the incident which happened at 23.50hrs on Friday, 14 February. It was reported that a man in his 20s was approached by another man and threatened him with a knife. The victim was not injured however, cash was taken from him,” ayon sa nilabas na statement.

Hindi nagpatalo si Styles sa takot at um-attend pa ito ng 2020 BRIT Awards kunsaan nagbigay siya ng special award sa TV personality na si Caroline Flack.

Nag-perform din siya sa show kunsaan nominated siya for British Male Solo Ar­tist and British Album of the Year. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More