Una sa Balita

Harry Potter author ligtas na sa COVID-19

0 458

Inilantad ng “Harry Potter” author na si JK Rowling ang kanyang hinihinalang sintomas ng COVID-19. Ayon kay Rowling, nakaramdam siya ng mga sintomas ng naturang virus nitong nakaraang dalawang linggo pero hindi pa siya nakapagpa-test.

“For last 2 weeks I’ve had all symptoms of C19 (tho haven’t been tested),” sabi niya sa kanyang Twitter.

Nagbahagi rin siya ng video ng breathing technique na nakatulong sa kanya upang hindi lumala ang kanyang nararamdaman na inirekomenda ng kanyang asawa na isang doktor.

Nagpasalamat din siya sa mga fan at kaibigan na agad nag-abot sa kanya ng mga comforting words and prayers.

“Thank you for your kind and lovely messages! I really am completely recovered and wanted to share a technique that’s recommended by doctors, costs nothing, has no nasty side effects but could help you/your loved ones a lot, as it did me. Stay safe, everyone x,” sabi pa niya. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More