Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Harris `pinalitan’ si Biden

0 313

Kauna-unahan sa kasaysayan ng Estados Unidos na isang babae ang humawak ng malaki at mabigat na responsibilidad bilang pangulo ng kanilang bansa.

Nangyari ito subalit pansamantala lamang kung saan ay isinalin muna ni US President Joe Biden ang kanyang kapangyarihan kay Vice President Kamala Harris.

Tinurukan kasi ng anesthesia ang 79-anyos na si Biden nang isailalim sa medical procedure para sa colonoscopy noong Biyernes.

Ayon kay White House Press Secretary Jen Psaki, ganito rin ang nangyari nang isailalim sa katulad na operasyon si US President George W. Bush noong 2002 at 2007.

Sinunod lang aniya ang proseso na itinakda ng Saligang Batas ng Estados Unidos na pagsasalin ng kapangyarihan sa bise presidente sa maikling oras lamang habang nasa ilalim ng anesthesia ang pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.