Una sa Balita

Haring Bastos papalagan si Princess Eowyn

By
0 171

PITONG kabayo ang mag-uunahan sa Condition Race (Merge) ngayong araw ng Miyerkoles sa pista ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Patok sa mga tipster ng programa ng karera ang kalahok na si Princess Eowyn na sasakyan ni star jockey Jonathan B. Hernandez.

Para sa mga veteran karerista, mapapalaban si Princess Eowyn kina Haring Bastos na rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo at magkakamping Summer Romance at Stay Ready.

“Sa programa, nakalagay ang best time ni Haring Bastos na 1:10 minuto sa 1,200-meter race kaya diyan ako lalagay paglarga nila,” hayag ni Bien Crisostomo na 30-taon nang nakatutok sa industriya ng karera.

Ang ibang kalahok ay sina Lockdown, Mount Pulag at Overwhelmed.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy