Una sa Balita

Harikrishna babalatan ni So

0 282

SIMULA na ang banatan sa 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 na gaganapin sa Jurmala/Riga, Latvia.

Makakalaban ni super grandmaster Wesley So si Pentala Harikrishna ng India, dalawang classical games silang magtatagisan ng isip para malaman kung sino ang aabante sa susunod na round.

Sakaling tabla ang resulta sa dalawang laro, magkakaroon ng rapid game na may oras na 25 minutes plus 10 seconds increment kada move, kapag hindi pa rin nagkatalo, ilalaro ang 10+10, sunod ang 5+3 at pinakahuli ay Armageddon.

Kasali sina former wolrd champion GM Veselin Topalov ng Bulgaria­ na makakaharap si GM Hikaru Nakamura ng USA; makakatapat ni GM Levon Aronian ng Armenia si GM Yu Yangyi ng China at GM Maxime Vachier-Lagrave ng France na kalaban si GM Navara David ng Czech Republic.

Ang ibang pairing ay sina da­ting world championship challenger GM Sergey Karjakin ng Russia laban kay GM Anish Giri ng the Nether­lands; Alexander Grischuk-Nikita Vitiugov na parehong taga-Russia; GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan-Daniil Dubov ng Russia at GM Peter Svidler ng Russia-GM Kzysztof Duda ng Poland.

Magku-qualify sa World Chess Candidates ang dalawang mananalo sa Grand Prix Series. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy