Una sa Balita

Hari pa rin ng lansangan

By
0 25

Sino kaya ang mga mambabatas na binabanggit ni dating Health Secretary Paulyn Ubial na nagbabala, na maaaring makulong siya kung ipatitigil ang pagbabakuna ng Dengva­xia sa mga batang Filipino?

Ayon kay Ubial, noong siya ay Assistant Secretary pa sa Department of Health (DOH), inihayag na niya ang pagtutol sa bakunang Dengvaxia dahil sa kawalan ng ‘social preparation’.

At nang maging Secretary ng DOH, naging mahirap para kanya ang pagpapatupad ng programa, dahil nasa ‘damage control’ na siya.

May koneksiyon ­kaya ang kontrobersiyal na bakunang ‘Dengvaxia’ sa pagbasura ng Commission on Appointments sa nominasyon ni Ubial bilang Secretary ng Department of Health?

***

Mananatili pa rin sa kalsada ang mga pampasaherong dyip kahit luma na, basta ‘roadworthy’ lamang.

Ito ang resulta ng pagdinig ng komite ni ­Senador Grace Poe.

Dahil sa kawalan ng kongkretong plano ng Department of Transportation (DOTr), malabong masimulan ang ‘jeepney phaseout’, na ayon sa PDu30 ay ipatutupad sa unang araw ng 2018.

Naka-iskor ang grupo ng mga jeepney.

Related Posts

Maliban sa pagiging ‘roadworthy’ ng kanilang yunit, ano naman ang ini­alok ng grupo sa Senate committee on public services at nakakuha ito ng ‘compromise’?

Hindi na ba sila magiging barubal sa kalsada? Hihinto na ba sa tamang sakayan at babaan? ­Wala na bang ‘cutting trip’? ­Kahit ba walang pulis o traffic enforcer, ang mga intersection ba ay hindi na babarahan?

Ano kayang remedyo o lehislasyon ang ipapasa ng komite ni Senador Poe para madisiplina ang mga barubal na tsuper na ‘hari ng lansangan’?

***

Napag-uusapan na rin ang lansangan, noong nakaraang linggo, nagpakita ng pwersa ang mga motorider. Inokupa ang EDSA at pinaralisa ang daloy ng trapiko.

Tinawag na ‘stupid’ o inutil ang batas na naglilimita sa kanilang galaw sa EDSA.

Maraming motorista ang naapektuhan sa ­‘inutil’ na pagkilos ng mga motorider noong nakaraang linggo.

Iginiit lang daw nila ang kanilang karapatan.

Hayun, ang naapektuhan ay ang mga ordinar­yong tao na bumibiyahe sa EDSA. Naantala ang kanilang pagbisita sa mga mahal sa buhay na may karamdaman.