Una sa Balita

Hari ng rice importer

0 416

Puregold—Lucio Co

BINIGYAN umano ng go signal ng National Food Authority (NFA) na makapamakyaw ng imported rice ang tinaguriang rice import king na si Lucio Co na ibebenta niya sa kanyang 354 Puregold outlet matapos itong bigyan ng lisensiya na makapagbenta ng subsidize rice noong Oktubre 2018.

Nabatid rin na si Co ay pinayagan na makakuha ng tatlong taon lisensiya para makapag-angkat ng bigas noong Nobyembre 2018.

Ito ay matapos na alisin ng Kongreso ang quota restrictions para sa bigas noong Marso 2019.

Base sa data ng Bureau of Plant Industry, ang pag-aari ni Co na Puregold Price Club Inc. ay bumili ng 52,021 metriko tonelada ng bigas mula noong Marso 5 hanggang Oktubre 4 ngayon taon.

Nalaman rin na napunta kay Co ang 3% ng 1.614 milyong metriko tonelada na binili ng may 208 importers sa loob ng pitong buwan.

Nabatid na ang aktuwal na rice shipment ni Co ay 38% lamang ng 135,847 metrikong tonelada ng imported na bigas na kanyang ini-apply sa gobyerno kasunod ng pagpapatupad sa Rice Tariffication Law.

Sinabi ng United States Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service (USDA-FAS), inaasahan nila na aangkat ng 3.1 milyon metrikong tonelada ng bigas ang Pilipinas ngayong taon na kapantay na ng inaangkat ng China, na siyang pinakamalaking rice importer.

Nalaman na ang Pilipinas ay umangkat lamang ng 1.9 milyon metrikong tonelada ng bigas noong 2018. (Juliet de Loza-Cudia/Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy