Una sa Balita

Hari ng Malaysia nag-resign

0 700

Ikinagulat ng mga mamamayan ng Malaysia ang big­lang pagbibitiw ng kanilang hari na si Sultan Muhammad V.

Ito ang unang pagkakataon na nagbitiw sa trono ang isang hari ng Malaysia simula nang makuha ang independence sa United Kingdom may 60 taon na ang nakaraan.

Walang ibinigay na rason ang Palasyo sa resignation ng hari.

Nauna rito ay kumalat ang ulat na ikinasal ito sa isang dating Miss Moscow noong nakaraang taon.

Sumailalim din ito sa medical leave noong Nobyembre pero tikom ang mga opisyal kung anong sakit ang ipinagamot nito.

“His majesty tells the people of Malaysia to continue to be united to maintain unity, tolerance, and work together,” ayon sa statement ng Palasyo.

Ang hari na naupo lang sa puwesto noong Disyembre 2016, ay mananatili sa nasabing puwesto hanggang sa may mapili nang kapalit ang mga Council of Ruler.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy