Una sa Balita

Hardware sa P’que ininspeksyon ng DTI

0 241

ININSPEKSYON ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang mga hardware sa lugar ng Parañaque City kahapon nang umaga.

Isinagawa ang inspeksyon upang matiyak ang kalakalan at industriya na tama sa timbang at mga ibinebentang mga materyales sa kons­truksyon at hindi sub-standard.

Unang ininspeksyon ni DTI Secretary Ramon Lopez, ang Sucat Imperial Marketing Corp. sa Brgy. San Dionisio at isa-sang tinimbang ang mga reinforce steel kung tama at tumutugon sa Philppine Standards na panuntunan ng DTI.

Sumunod na ininspeksyon ay ang Pingying Hardware na umanoy nakitaan ng paglabag dahil sa bagama’t tama ang sukat ng ibinebentang ng mga steel bar ay kulang naman sa timbang.

Sinabi ni Lopez, ito ay kanilang isasailalim sa imbestigasyon kung bakit kulang sa timbang ang ibi­nebentang mga steel bar.

Bukod pa dito aniya, ipapatawag din nila ang may ari ng nasabing hardware.

Maging ang mga tindang semento ay ininspeksyon din ng DTI pero wala namang nakitaan ng paglabag ukol dito.

Magugunitang naglabas ng babala ang DTI kamakailan ukol sa mga ibinebentang mga sub-standard na mga cons­truction material kabilang na ang mga alambre at pako, yero at mga bakal. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy