Una sa Balita

Hardin ni Mylene Dizon mataba, masarap

0 756

May healthy organic lifestyle si Mylene Dizon kaya talagang kina-career niya ang paglago ng kanyang sariling vegetable garden.

Naikuwento ni Mylene na matagal na niyang pinangarap na magkaroon ng maliit na vegetable garden. Gusto kasi niya na siya ang magpatubo ng mga lulutin at kakainin nilang gulay.

Pinakita ng aktres via Instagram ang kanyang vege­table garden gamit ang Biodynamic farming style. Gamit din niya ang mga tinatawag na ecobricks na gawa mula sa plastic bottles.

Malaking tulong daw ang mga ito sa environment dahil gawa ito sa recycled materials at sa ashfall mula sa Taal Volcano.

“Let’s grow our own gulay! I’m going to try this Biodynamic farming style that I picked up from @downtoearthph. I also used the eco bricks from Biñan made with Taal ashfall, shredded plastic and cement to make my vegetable plant beds. What I’m actually doing in this video is I’m layering karton, soil, grass cuttings, kitchen wastes such as veg peels and washed egg shells, then I will finally top with my soil that has been ‘cooking’ with cow manure for added flavor. This lasagna will be covered with mulch and karton to so as not to encourage the bad weed to grow.”

Dahil sa kanyang organic farming, successful si Mylene sa pagpapatubo ng kanyang sariling carrots, radish at fennel. At yes, masarap nga ang mga gulay sa hardin niya. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More