Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Harden, Westbrook sapol ng coronavirus

0 354

HINDI lang isa kundi dalawang superstar ng Houston Rockets ang posibleng hindi makapaglaro sa pagbubukas ng NBA restart simula Hulyo 30 sa Disney World sa Florida.

Ito ay matapos makumpirmang positibo sa COVID-19 si Russell Westbrook, habang ayon sa mga report, sapol din ng coronavirus si James Harden.

“I tested positive for COVID-19 prior to my team’s departure to Orlando,” lahad ni Westbrook.

“Thank you for the well wishes and continued support. Please take this virus seriously. Be safe. Mask up!”

Samantala, ayon sa report ng Elite Media Group, positibo rin sa nakamamatay na virus si Harden bagama’t wala pang kumpirmasyon mismo sa koponan at mula sa NBA.com.

“All-Star guard James Harden has tested positive for the coronavirus; sources tell,” tweet ng Elite Media Group. (Raymark Patriarca at Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.