Una sa Balita

Harden, Westbrook nakisaya sa Astros

0 299

Lumalaban ang New York Yankees, nagmukhang ‘di pa matatapos ang season.

Hanggang dumating ang swing ni Jose Altuve sa ninth inning.

Nag-deliver ng homer si 5-foot-6 Altuve mula kay Aroldis Chapman na may two outs sa ninth at naipagpag ng Houston ang New York 6-4 para isara ang AL (American League) Championship Series sa anim na laro.

Sa pangalawang pagkakataon sa huling tatlong seasons, biyaheng World Series ang Astros.

Naghihintay si Astros ace Gerritt Cole na mag-pitch sa Game 7 ngayon. Pero wala na, sa halip ay posibleng siya ang mag-start sa Game 1 ng World Series kontra naghihintay na NL champion Washington Nationals sa Martes (Miyerkoles sa Manila).

Sa bukana ng ninth, pumalo si DJ LeMahieu ng panablang two-run sbpt mula kay Houston closer Roberto Osuna. Sumagot si Altuve ng two-run drive sa left center.

Nayanig ang Minute Park sa selebrasyon ng 43,357 fans na kinabilangan nina Rockets stars James Harden at Russell Westbrook na mga nakasuot pa ng personalized orange Astros jersey.

“Beautiful game,” bulalas ni Altuve, tinanghal na AL Series MVP.

Tumagal ng 4 hours, 9 minutes bago natapos ang bullpen Game 6 na tinampukan ng 24 pitchers combined.

Pangatlong pagkakataon na sinipa ng Astros ang Yankees sa huling limang postseasons. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy