Una sa Balita

Harden, Westbrook iniungos ang Houston sa Washington

0 406

PIGANG-PIGA si James Harden, muntikan pang kulangin kahit ang pasabog niyang 59 points.

Pero ang huling puntos niya rin ang nagligtas sa Houston Rockets sa ga-buhok na 159-158 decision laban sa makulit na Washington Wizards ­Miyerkoles nang gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

“I didn’t know we were going to have to score about 160 points to win but whatever it takes it took,” bulalas ni Houston coach Mike D’Antoni.
Sumabay ang Wizards na 20 for 36 sa 3-pointers.

Binuhat ng 46 points ni Bradley Beal ang Washington, tatlong free throws ang isinalpak para itabla ang iskor sa 158 may 8.1 seconds na lang.

Nilista ni Harden ang 38 points niya sa second half – 21 sa third at 17 sa fourth. Tumikada siya ng 18 of 32 mula sa field, 6 for 14 sa 3-point range at 17 of 18 sa free throws. May sahog pa ­siyang 9 assists sa loob ng 37 minutes.

Nakatatlong puntos lang si ­Russell Westbrook sa first three quarters pero umiskor ng 14 sa fourth bago kinumpleto ang pangalawa niyang triple-double sa season. May 10 ­rebounds at 12 assists pa siya.

Nagdagdag si Clint Capela ng 21 points at 12 rebounds tungo sa 3-1 card ng Houston.

Mainit ang pagsalubong kay Rui Hachimura sa una niyang home game sa Wizards, nanood pa ng laro ang Japanese Ambassador to the US na si Shinsuke Sugiyama. Si Hachimura, 21, ang highest drafted Japanese-born player sa NBA, 9th ng Wizards.

Tumapos si Hachimura ng 23 points, nag-ambag ng 21 si Davis ­Bertans. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More