Una sa Balita

Harden walang awat,kinulata ang Indiana

0 288

TULAD ng ­nakagawian, humaharabas ang ­opensa ni James ­Harden.

Pero sa dulo ng laro Biyernes nang gabi, ang depensa ang sinandalan ng Houston ­Rockets para kalusin ang ­Indiana Pacers 111-102.

Umiskor si Harden ng 44, nagkasa ng ma­tinding fourth quarter run ang Rockets para kalasan ang Pacers.

Season-high na ang six straight wins ng Houston, limang sunod na laro na ring nagsusumite si Harden ng 36 points o higit pa para balikatin ang Rockets habang nagpapagaling mula injuries sina Clint Capela, Eric Gordon at Danuel House.

Abante ng apat ang Indiana sa 3-pointer ni Doug McDermott bago kumana ng 14-0 run ang Houston tungo sa 94-88 lead 5 minutes na lang. Nag-take over sa stretch si Harden, nilista ang last 12 points na kinapalooban ng dalawang 3s. Walang naipasok sa ­pitong tira ang Indiana, may dalawang turnovers pa.

“It was huge,” ani Harden sa defensive ­effort nilang ‘yun. “That’s the game right there.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy