Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Harden tumuhog ng triple double

0 85

Nangailangan ang Brooklyn ng extra five minutes at triple-double mula kay James Harden para ipagpag ang San Antonio 124-113 Lunes ng gabi (Martes sa Pilipinas).

Tumapos si Harden ng 30 points, 14 rebounds at 15 assists at nakabangon ang Nets mula pagkakalat sa final seconds ng regulation.

Nagdagdag ng 27 points si Kyrie Irving, may 23 pa si Bruce Bowen sa Brooklyn, bumawi rin sa talo sa Dallas na pumutol sa kanilang eight-game winning streak.

Nakapuwersa ng overtime ang Spurs nang isara ang fourth quarter sa 10-0 run.

Pasok ang 3s nina Lonnie Walker at Patty Mills, sinundan ng drive ni DeMar DeRozan bago itinabla sa 108 ng buzzer-beater ni Dejounte Murray sa harap ni Harden.

Tinuhog ng Nets ang first 8 points ng OT para muling kontrolin ang laro at hindi na bumitaw.

Umiskor ng double figures ang starters ng San Antonio sa pangunguna ng 22 ni DeRozan na may 11 assists pa. May tig-19 sina Murray at Walker.

Sa pangwalong sunod na laro, wala pa rin sa Brooklyn si Kevin Durant (hamstring). (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.