Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Harden sinapawan si James, Lakers

0 216

SULIT ang fans na dumagsa sa Staples Center nitong Dec. 25 sa 76tn NBA regular season game showdown nina LeBron James at James Harden.

Pero sa dulo, si Harden ang nakangiti matapos ihatid ang Brooklyn Nets sa 122-115 panalo laban kay James at Los Angeles Lakers.

Galing health and safety protocols si Harden, nakalabas pero hindi pa ang kanyang partner na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.

Pipilay-pilay rin ang Lakers na walang Anthony Davis (MCL sprain), may COVID-issues pa sina Avery Bradley, Kent Bazemore, Malik Monk at Trevor Ariza, gayundin si coach Frank Vogel.

Pasabog ng 39 points, 9 rebounds at 7 assists si LeBron para gasolinahan ang LA, pero naubusan ang rally matapos burahin ang 20-point deficit.

Tinapatan ni Harden ng triple-double na 36-10-10, napakalaking ayuda ang nakuha niyang 34 points mula kay Patty Mills na naghulog ng 8 3-pointers.

Pinakawalan ni Harden ang 10th assist sa binatong alley-oop na tinapos ni Nic Claxton ng tie-breaking slam sa harap ni James 40 seconds na lang. Kinumpleto ni Claxton ang and-1 play tungo sa 118-115 lead. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.