Una sa Balita

Harden pinantayan ang record ni MJ

0 390

PASABOG ng 60 points sa loob lang ng tatlong quarters si James Harden, hindi na pinaglaro ni coach Mike D’Antoni sa fourth nang pakainin ng alikabok ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks 158-111 Sabado nang gabi.

Tumagal lang ng 31 minutes sa loob si Harden, pero isang puntos na lang ay papantayan na ang kanyang career-high at franchise record.

Nagliyab siya sa labas ng arc sa ibinaon na walong 3-pointers, may 20 free throws pa. Nanood na lang siya sa bench nang dumistansiya ang Rockets 127-73 pagkatapos ng three.

Pang-apat na career 60-point game ‘yun ni Harden, inakbayan si Michael Jordan sa third-most sa kasaysayan ng NBA.

Nasa unahan niya sina Kobe Bryant (six) at Wilt Chamberlain (32). Si Harden lang ang active player na umiskor ng 60 nang higit isang beses.

Kumpara sa delivery ni Harden, namutla ang 37 points ni Trae Young, may limang 3-pointers din, para sa Hawks.

Abante ang Houston 83-56 sa kaagahan ng third nang tapakan ni Harden ang silinyador, nilista lahat ng puntos ng Rockets sa one-man 18-3 run tungo sa 101-59 may 7 minutes pa sa period.

Sa stretch na ‘yun, nakatatlong 3s siya at tatlong beses pang na-foul sa kanyang 3-point attempts. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More