Una sa Balita

Harden, Paul: Walang masamang tinapay

0 246

GINIIT ng Houston Rockets na walang tensiyon kina James Harden at Chris Paul, dahilan para i-trade si CP3 sa Oklahoma City Thunder para kay Russell Westbrook.

Itinanggi na ito ni general manager Daryl Morey, tinawag din na ‘fake news’ ni team leader PJ Tucker. ‘Di rin pinatulan ni Paul ang isyu.

Nitong Sabado sa kanyang camp, si Harden naman ang nagpabulaan sa balita.

“Harden said he is “good” with Chris Paul,” tweet ni Brian T. Smith ng Houston Chronicle.

“Obviously as teammates, as competitors, we argued on the court. … The negative media stuff, it wasn’t true. … Me and Chris had constant communication,” pahayag ni Harden. “He’s a great dude. I have nothing negative to say about him.”

Anuman ang sinasabi ng team at ng players, iba ang nakikita ng mga miron.

Magkakasa ng trade para palakasin ang roster. Ibig bang sabihin ay ‘di na click ang laro ni Paul sa Houston, ‘di na click ang tandem nila ni Harden, kaya kinuha si Westbrook? (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy