Una sa Balita

Harden nangalabaw ng 55 puntos vs Cavs

0 312

KAILANGAN ng bucket? Ibigay kay James Harden ang bola. 3-pointer? Kanya rin.

Kahit ano’ng kailangan ng Houston, dine-deliver ni Harden.

Sa isang play, nagbaon si Harden ng step-back 3-pointer na nagpasikat sa kanya, at napatingin na lang sa Cleveland bench si rookie Kevin Porter Jr. na parang nagpapasaklolo. Wala siyang magawa.

“He made a lot of shots you can’t do anything about,” bulalas ni Porter.
Marami nga, bulto-bulto.

Umiskor si Harden ng 55 – 20 sa fourth quarter – na dinagdagan ni Russell Westbrook ng 23 at naligtasan ng Rockets ang Cavaliers 116-110 Miyer­koles ng gabi.

Apat na 3s ang ibinaon ni Harden at 7 of 8 sa field sa fourth, pinantayan ang record ni Kyrie Irving na most points sa isang laro sa home court ng Cavs. Pangatlong player si Harden na umiskor ng 50 o higit pa sa building, una sina Irving (55) at Allen Iverson (54 at 50).

Sa kanyang pang-apat na 50-point performance ngayong season, natakasan ng Rockets ang Cavaliers na nagkasa ng 24-0 run mula dulo ng third patawid ng fourth habang nakaupo pa si Kevin Love.

Pang-apat na player sa NBA history si Harden­ na may multiple games ng 10 o higit pang 3-pointers,­ sinamahan sa listahan sina Steph Curry (15) at Klay Thompson (5) ng Golden State, at si dating Cavs guard JR Smith (3).

Abante pa ang Cleveland 108-107 nang sumagasa sa lane si Harden para bumitaw ng floater 1:03 pa sa laro. Pagkatapos ng turnover ni Jordan Clarkson, nagbaon ng 3 si PJ Tucker sinundan ng dakdak ni Clint Capela pagkatapos ng isa pang error sa kabila. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy