Una sa Balita

Harden kalinya na sina Jordan, Wilt

By
0 468

ISA pang 40-point night kay James Harden, may 20 na siyang ganito ngayong season.

Umiskor ng 40 ang reigning MVP at pinalubog ng Houston Rockets ang Phoenix Suns, 118-110, Lunes nang gabi.

Sinamahan ni Har­den sina Wilt Chamberlain, Michael Jordan at Rick Barry bilang tangin­g players na may 20 games na nakakapagsumite ng 40 points o higit pa sa first 50 games ng season.

Pinahaba rin ni Harden sa 27 ang streak niya na may at least 30 points sa isang laro, third-longest sa kasaysayan ng NBA. Mas mahaba lang ang streaks na 65 at 31 games, parehong hawak ni Chamberlain.

“I’m just trying to keep going. Nothing can slow me down,” wika ni Harden, may palamuti pang 8 rebounds at 6 assists.

Nagdagdag si Chris Paul ng 18 points, may 17 points at 14 rebounds si Kenneth Faried sa Rockets.

Pinangunahan ng 25 points ni Josh Jackson ang Suns, 23 kay Kelly Oubre, Jr. at 19 si Devin Booker. Tumapos si Deandre Ayton ng 15 points at 11 boards bago lumabas sa fourth quarter dahil sa nana­nakit na hita.

Hindi hinawakan ng Suns ang manibela pero dumidikit sa first half bago naiwan ng 20 sa third.

Ilang beses naibaba ng Phoenix ang hinahabol sa single digits sa fourth, pero laging may sagot si Harden o kaya ay si Paul. Naglista ng 14 points sa final period si Harden.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy