Una sa Balita

Harden excited sa reunion kay Westbrook

0 270

By VE

‘DI maikakaila ang excitement ni James Harden sa muling pagsasama nila ni Russell Westbrook.

Naging teammates na dati ang dalawa sa Oklahoma City kasama si Kevin Durant, naunang umalis si Harden papuntang Houston. Sumunod na tumawid si Durant patungong Golden State.

Nitong offseason, pinamigay ng Thunder si Westbrook sa Rockets kapalit ni Chris Paul.

“Russ wasn’t happy and now we’re back,” pahayag ni Harden sa Paris, base sa video ng Trash Talk.

“It’s going to be a lot of fun this year, I guarantee you that,” dagdag ni Harden na nasa kanyang world tour para sa adidas.

Kung saan ‘di masa­ya si Westbrook, ‘di malinaw sa pahayag ni Harden.
Bago pinakawalan si Westbrook, binigay din ng Oklahoma City si Paul George sa Clippers.

Mag-iiba lang siguro ang distribusyon ng bola, o kung sino ang magpa­pasimuno ng play, sa Rockets.

Parehong epektibo­ sina Westbrook at Harden­ kapag nasa kamay nila ang bola. Ibang usapan kapag off the ball, huwag lang magsasapawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy